
Stop Corruption! Walang Puwang ang Katiwalian sa Maka-Dios Na Bayan
Ano o sino ang Artikulo Onse?
Ang Artikulo Onse o Citizen’s War Against Corruption ( ARTIKULO ONSE CWAC) ay isang kilusan ng mga Pilipinong nagnanais nang makabuluhan, patas at pantay na paghahasik ng katarungang bayan hinggil sa mga maanumalyang proyektong bayan.
Tugon din ang Artikulo Onse sa panawagan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior sa napapanahong paglahok ng mga mamamayan sa malawakang kilusing magbibigay tuldok sa ang katiwalian sa ating bayan.
Naging inspirasyon din ng Artikulo Onse ang pahayag ng Pilipinong architect na si Jun Palafox na hindi masasawata ang katiwalian kundi aktibong makikilahok ang mga mamamayang maka-Dios.
Layunin ng Kilusan na ibunyag ang katiwalian gamit ang makabagong teknolohiya, makangalap ng ebidensyang sapat para makapagsampa ng kaukulang reklamo laban sa mga tiwaling opisyales de gobyerno, kasabwat na pribadong indibidwal maging ang mga local at pambansang pulitiko.
Bakit ang pangalan ay Artikulo Onse?
Ang pangalang Artikulo Onse ay halaw sa Article 11 ng 1987 Philippine Constitution na kung saan ganito ang nakasaad:
“Public Office is a public trust. Public officers and employees must at all times be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency, act with patriotism and justice, and lead modest lives.”
Marubdob ang kilusing ito sa paniniwalang may pangangailangang ipamukha sa mga opisyales de gobyerno, halal man o may Plantilla, na nakasalalay sa tiwalang bayan ang kanilang mga pwesto, na kailangan nilang tandaan na mamuhay ng may kabutihang ASAL:
- ACCOUNTABLE to the PEOPLE
- SERVE with utmost responsibility, integrity, loyalty and efficiency
- ACT with Patriotism and Justice
- LEAD modest lives
Ano ang paraang gagamitin ng Artikulo Onse?
Magtatayo ng isang network ng mga Pilipinong kasapi ng Kilusing Artikulo Onse sa PITUMPUT PITONG syudad sa buong kapuluan. Ang mga kaanib ang siyang magiging mata at tainga ng taumbayan hinggil sa mga proyektong bayang isinasagawa hindi lamang ng DPWH kundi ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan. Lilikumin nila ang mga impormasyon hinggil sa mga proyektong ito, magsasagawa ng pagsasaliksik at pagtitibayin ang ebidenya.
Kung sapat na ang ebidensyang magpapatunay na may katiwalian sa proyektong bayan, ipapahayag ito ng Artikulo Onse sa bawat isang digital assets ng kilusin, sa Youtube, Facebook at Tiktok. Magkakaroon din ng sariling website ang Artikulo Onse na kung saan makikitaan ng mga larawan at datos hinggil sa proyektong may anomalya. Ipapamagi rin ang resulta ng imbestigasyon sa ikinauukulan, lalo na sa Ombudsman.
Magsasagawa rin ng kampanyang bayan upang makapaglikha ng mga batas para sugpuin, pigilin at mas patindihin ang parusa laban sa katiwalian, sa pamahalaan at sa pribadong sektor.
Ano ang hustisyang bayang ipatutupad ng Artikulo Onse?
Kung sapat ang ebidensya hinggil sa kasalanan at katiwalian ng isang grupo, individual, mula sa pribado at pampublikong sektor, maglulunsad ng malawakang shame campaign ang Artikulo laban sa tiwaling Pilipino lalo na sa kanyang naging asal. Ipakakalat ito sa kanyang bayang sinilangan, sa kanyang pinagtratrabahuhan maging sa kinasasapian niyang simbahan. Layunin ng shame campaign na buhayin ang hiya sa bawat isang Pilipino at ipaukilkil sa bawat isa na walang puwang ang katiwalian sa isang maka-Dios na bayan.
Layunin din ba ng Artikulo Onse na makapagbuo ng Citizen’s Commission on Truth and Accountability o CCTA?
Oo. Isang hakbang lamang ang Artikulo Onse. Layunin din ng Kilusang ito na kumbinsihin ang Pangulong Marcos Junior na lagdaan ang isang Executive Order na magtatayo ng Citizen’s Commission on truth and Accountability (CCTA) na tatayo bilang FACT-FINDING BODY na kakatawan sa mga mamamayan sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga tiwaling opisyales de gobyerno kasapakat ang ilang Pilipino sa pribadong sektor.
Join the Movement
Stand with us in the fight against corruption. Together, we can expose graft and demand accountability in public projects.
